Biyernes, Setyembre 4, 2015

"ANG PAGPANAW NI AMA"

 Galing sa paaralan,siya ay naglakad.Pauwi na siya sa kanilang bahay.Tanging tunog lamang ng mga sasakyan ang kanyang naririnig.Lub dub! Lub dub! Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib.May kakaiba siyang nararamdaman.Nang makarating sa bahay nakarinig siya ng sigaw.Nakita niya ang kaniyang itay.Ang kaniyang itay na lasengo at walang ibang kayang gawin kundi saktan ang kaniyang ina.Sunod na tinutukan ng kaniyang mga mata ay ang kaniyang ina.Bumabalot sa mukha nito ang takot.Hindi niya kinaya ang kaniyang mga nakikita.Kinuha niya ang bote ng softdrinks at Boogshh! Bumagsak sa sahig ang kaniyang ama kasabay ng pagyakap niya sa kaniyang ina.Dahil sa pangyayaring yon,naging matiwasay ang kanilang buhay.Hindi na siya naglalakad pauwi sa kanilang bahay ng may pangamba.Naging matiwasay ang kanilang buhay dahil wala na ang taong nagbibigay pasakit sa kaniyang ina.Ngunit hindi pa rin mawawala at mabubura sa mura niyang isipan ang katotohanan na pinatay niya ang kaniyang sariling ama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento