Galing sa
paaralan,siya ay naglakad.Pauwi na siya sa kanilang bahay.Tanging tunog lamang
ng mga sasakyan ang kanyang naririnig.Lub dub! Lub dub! Malakas ang kabog ng
kaniyang dibdib.May kakaiba siyang nararamdaman.Nang makarating sa bahay
nakarinig siya ng sigaw.Nakita niya ang kaniyang itay.Ang kaniyang itay na
lasengo at walang ibang kayang gawin kundi saktan ang kaniyang ina.Sunod na
tinutukan ng kaniyang mga mata ay ang kaniyang ina.Bumabalot sa mukha nito ang
takot.Hindi niya kinaya ang kaniyang mga nakikita.Kinuha niya ang bote ng
softdrinks at Boogshh! Bumagsak sa sahig ang kaniyang ama kasabay ng pagyakap
niya sa kaniyang ina.Dahil sa pangyayaring yon,naging matiwasay ang kanilang buhay.Hindi
na siya naglalakad pauwi sa kanilang bahay ng may pangamba.Naging matiwasay ang
kanilang buhay dahil wala na ang taong nagbibigay pasakit sa kaniyang ina.Ngunit
hindi pa rin mawawala at mabubura sa mura niyang isipan ang katotohanan na pinatay niya ang
kaniyang sariling ama.